4 Month Old na Bata Patay sud sa 2Go Ship Kay Doctor Mibalibad og Tambal - Di daw siya Pedia

Usa ka 4 months old nga bata ang namatay sulod sa barko sa 2GO gikan sa Manila to Cebu human gibalibaran sa onboard Doctor kay dili daw siya Pedia niadtong Domingo May 27, 2018. Ang mga ginikanan sa bata nga si Angelo nangayo karon og hustisya tungod sa kapabayaan sa doctor sa wala pagtabang og bisan man lang paghatag og first aid sa bata kay kini gasuka og kalibang.


Full Post sa maong istorya gikan sa ginikanan sa bata.
From Kriz Angelic Mi post.

*JUSTICE FOR MY BABY ANGELO*

Sabado nang gabi May 26, 2018....sumakay kami nang barkong 2go SFX3 from Cebu to Manila kasama ang asawa at anak naming 4mos old...nung gabing yun masayang masaya pa kami...may workers pa nga dun na nilalaro baby namin at sobrang tuwang tuwa naman nya...Kinaumagahan 7am napansin namin nagsusuka c baby nung pina dede namin at nagtatae...Walang pagdadalawang isip pumunta kami agad sa clinic para ma check ang kalagayan nang anak namin..Pero laking dismaya namin kasi nung kinausap namin yung doctor sabi nya d sya pang pedia at wala syang alam sa pedia...sabi ko kahit gamot lang doc pero wala kasi gaya nang sabi nya wala syang alam sa pedia at hintayin nlang na dumaong ang barko..ang daong nang barko ay gabi pa at 7pm...Malungkot na bumalik kami nang asawa ko sa loob nang kwarto namin at with a positive mind na mild lang ang nararamdaman nang baby namin....Pero while nasa loob nagtatae parin baby namin.,.Ginawa ko pinatulog ko sya bka paggising nya ook na pakiramdam nya..pero kahit anong karga at hele ko d sya makatulog..Ginawa nang asawa ko pinasyal nya c baby sa labas bka antukin at makatulog baby namin pero while nasa labas sila nagsusuka baby namin kaya bumalik sya sa clinic para makausap ang doctor...nakita pa nang doctor kung paano sya nagsuka at nagtatae...pero kahit temperature man lang walang aksyon...kaya ako sumugod ako sa clinic para puntahan ang mag ama ko...pero nakakalungkot lang kasi wala talagang first aid na naibigay at nailunas...Again bumalik na nman kami sa kwarto namin parapatulugin anak ko....ginawa ko lahat klase nang pag hehele pero ayaw d xia mkatulog.....sa halip naulit at nagtatae naman xia....at unti unti lumalalim mata nya kaya tumakbo asawa ko palabas para hanapin ang doctor na kahit alam namin na walang maitulong ang doctor binabalik balikan parin namin kasi naniniwala padin kami na may maitulong sya kasi doctor sya...9am yun at almost 4x pabalik balik asawa ko sa clinic bago natagpuan ang doctor at nandun pa sa salon nag pa SPA sa paa nya..kaya don namin dinala baby namin...nang pumasok kami sa salon nagulat lahat mga empleyado dun kasi putla na anak namin kaya ang nangyari ang taga salon ang nag assist sa amin kasi kahit tumayo lang sana at tingnan nang doctor anak namin d nya ginawa sa halip nag ce celphone lang sya....ginawa nang tga salon minassage at dinampian ulit nang Manzanilla ang anak namin... Sa ginawa nila parang nabuhayan kami nang asawa ko kasi kahit papaano parang bumuti ang pakiramdam nang anak ko...kasi nung chineck namin temperature nia mababa lang wala nmang lagnat at malakas parin naman syang dumede..yun nga lang nahihirapan syang makatulog at hindi makatulog....so tapos nun bumalik kami sa room upang subukan ulit patulogin sya pero kahit anong karga at hele ko....almost hour din akong tumakbo nang mahina habang karga sya para makatulog at di ko na alintana ang pagod at pawis ko bsta mkatulog lang pero hindi parin at sa halip nag tatae padin sya so nataranta na kami..nanginginig na ako sa takot yung asawa ko umiiyak na kasi yung anak namin umiitim na ang eyebags nya at sobrang putlang putla nya so mga 3pm andon na nman kami sa clinic kasi yung baby namin naghihina pero kahit andon kami kinarga karga ko lang ang bata..Mga 4pm cguro yun may dumating na nurse kaya nakakadismaya kasi may nurse pla bakit di tinawag nang doctor nang umaga pa..tinawag lang nung naghihingalo na anak namin..pero kahit ganun wala paring first aid... DEHYDRATE na kasi baby namin eh..as in wala tlga..kinarga nung nurse yung baby namin para e hehele lang at nilagyan nang Manzanilla yung katawan..yun lang ang first aid na binigay nila Manzanilla na tapos nang ginawa namin...hanggang d na xia.masyadong huminga mga 5pm yun dun na na taranta ang doctor at sa halip nurse pa.ang nag utos sa doctor ano ang kukunin at ano ang gagawin.....nakakainis lang tingnan kasi ang tagal nkabit.nang oxygen kasi yung doctor parang d nya alam ano gagawin nya...sobrang sakit isipin na pagdating nang almost 6pm d na humihinga baby namin..binawian na nang buhay..Ang ikinagagalit lang namin kasi kung may first aid lang sana cguro nakarating pa kami sa manila na buhay yung baby namin lumalaban kasi baby namin kahit.mahina na na sya dumedede parin xia.....kaya i want justice for the death of my baby...FIRST AID AT ASSISTANCE lang sana yung need namin pero d na provide sa staff nang barko.......ang sakit at hirap mamatayan nang anak.....ang hirap tanggapin...


إرسال تعليق (0)
أحدث أقدم